Naglabas ng abiso ngayon ang lokal na pamahalaan ng Parañaque hinggil sa first dose ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Sa abiso ng Parañaque City-Local Government Unit (LGU), wala munang gagawing frist dose vaccination sa Solaire-Nayong Filipino Foundation vaccination site.
Sa mga nais magpabakuna ng first dose, hintayin na lang muna ang anunsiyo ng ilang kinauukulan sa ilalim ng Parañaque Vaccine Immunization Program.
Ipagpapatuloy naman ang second dose vaccination sa nasabing site kung saan inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na umaabot na sa 490,010 ang naturukan ng first dose ng bakuna kontra COVID-19.
Nasa 287,892 naman na residente sa lungsod ang nakatanggap na o nakakumpleto na ng bakuna.
Muli naman iginiit ng Parañaque City-LGU sa mga nais magpabakuna na tignan ang inilalabas nilang anunsyo sa kanilang social media upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites.