Umaasa ngayon ang Parañaque City PESO na maraming aplikante ang matatanggap sa isinagawa nilang mini-job fair.
Ayon kay ginang Amy Martin, ang PESO Assistant Manager, hindi nila inaasahan na aabot sa higit 700 aplikante ang magtutungo lalo na’t masama ang panahon.
Kaninang umaga ay nagsagawa muna ang PESO Parañaque ng job seekers forum kung saan sinabi ni ginang Amy na mahalaga ang ganitong klase ng aktibidad para mabigyang kaalaman ang isang empleyado sa karapatan nito sa trabaho.
Bukod dito, ilang senior high schools din ang nakiisa sa nasabing forum para makakuha rin sila ng tips o nang ideya sa paghahanap ng trabaho.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng one-on-one interview ang nasa 40 kompaniya na nakilahok sa mini job fair na magtatapos naman mamayang alas-4:00 ng hapon.