Naglabas ng paalala ang lokal na pamahalaan ng Parañaque hinggil sa umiiral na liquor ban na ipinatupad ng Commission on Election (COMELEC).
Sa abiso ng Parañaque LGU, ang mga hotels, resorts, restaurants, at iba pang establisyimento na nakakuha ng written authority mula sa regional, provincial at city election officer ay exempted sa liquor ban.
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan ng Parañaque, pawang mga foreign tourists sa mga authorized hotels kasama ang iba pang establisyimento ang hindi pasok sa ipinapatupad na liquor ban basta’t nakakuha sila ng authorization.
Matatandaan na ipinag-utos ng Parañaque LGU ang liquor ban simula kaninang alas-12:00 ng hatinggabi kanina at magtatagal ito hangaang alas-11:59 ng gabi ng May 9, 2022.
Muling ipinapaalala ng lokal na pamahalaan na bawal ang pagbebenta, pagbibigay at pag-inom ng alak mula sa nasabing oras at petsa.
Binalaan rin nila ang mga residente na susuway sa nasabing liquor ban na mahaharap sa multa at posibleng makasuhan kaya’t maiging sumunod na lamang muna para sa ikaka-ayon ng halalan ngayong taon.