Parañaque LGU, naghihintay ng go signal mula sa DOH sa posibleng pagpapatupad ng MGCQ

Hindi pa rin tiyak ng mga alkalde sa Metro Manila kung magpapatupad sila ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Enero.

Ayon kay ang Parañaque Mayor Edwin Olivarez, magiging depende pa rin ito sa ilalabas na data ng Department of Health (DOH) kung bababa ba o patuloy na tataas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ngayong holiday season.

Kasabay nito, nananawagan ang alkalde sa mga residente ng Metro Manila na iwasan munang lumabas ngayong Kapaskuhan kung hindi naman mahalaga ang kanilang lakad.


Maging ang Metro Manila Council (MMC) ay hindi rin makapagdesisyon hinggil dito.

Facebook Comments