Parañaque LGU, pinasusumite sa mga department head ang listahan ng mga empleyadong pumasok sa panahon ng naka- ECQ at MECQ ang Metro Manila

Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang lahat ng Department Heads, Division Chiefs, School Principal at mga Kapitan ng barangay na isumite na ang listahan ng mga kawani nila na pumasok sa trabaho simula nang ideklara ang community quarantine noong March 17, 2020.

Ito’y para maisama na sa listahan ang pangalan ng mga ito na mabibigyan ng COVID-19 hazard pay and special risk allowance base sa guidelines na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang nasabing listahan ng mga personnel ay ‘yong mga pumasok sa trabaho habang nasa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ ang buong Metro Manila.


Ang deadline ng pagpapasa ng listahan ng attendance ng mga kawani ay hanggang June 26, 2020 pero paalala ng Human Resource Management Office ng Parañaque Local Government Unit (LGU) na dapat ay tama at totoo ang ipapasa nilang listahan kung saan kapag may nakitang katiwalian ay mananagot sila ng aayon sa batas.

Samantala, binago na rin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang curfew hour sa lungsod.

Mula sa dating alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, ini-adjust na ang curfew hours sa alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Ito’y para magkaroon pa ng sapat ng oras ang bawat empleyado na papasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi nila sa kani-kanilang tahanan.

Sinabi rin ni City Administrator Ding Soriano, isa sa mga dahilan ng pag-a-adjust ng curfew hours ay upang makapag-operate pa ang mga dine-in restaurant at ibang food establishments ng mahabang oras.

Facebook Comments