Parañaque LGU, sinimulan na ang kanilang home vaccination program kontra COVID-19

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque ang kanilang Home Vaccination Program kontra COVID-19.

Ito’y para sa mga bed ridden, senior citizen at person with disabilities (PWD) na hindi kayang magpunta sa mga itinalagang vaccination site sa lungsod.

Unang pinuntahan ng lokal na pamahalaan ang Barangay Sun Valley, Barangay San Isidro at Barangay BF Homes kung saan nagtungo mismo sa mga tahanan ng mga pasyente ang vaccination team.


Nabatid na ang mga nasabing indibdwal ay una nang nakipag-ugnayan sa kanilang barangay health centers upang mabakunahan kontra COVID-19.

Sa iba naman na nagnanais na mabakunahan at walang kakayanang pumunta sa mga itinalagang vaccination site maaari silang tumawag sa kanilang Barangay Health Centers o kaya sa City Health Information Service Hotline tel. no. 8829-2808 o kaya sa cellphone number na 09277330532 at 09687688543.

Facebook Comments