“PARANG MANGGA” | Pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, pilit na pilit ayon kay dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Tinawag na “pilit na pilit” ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang statement, inihalintulad ni Aquino sa mangga ang naging desisyon ng Korte Suprema na pumabor sa quo warranto petition laban kay Sereno.

Ayon kay Aqunio, kung nais ng matamis na mangga ay kailangang maghintay na mahinog ito pero kung pipiliting mahinog ay magiging maasim ang kalalabasan.


Giit pa ni Aquino, malinaw sa saligang batas na ang impeachable officer ay mapapatalik sa pamamagitan ng impeachment.

Mababatid na si Aquino ang nagtalaga kay Sereno bilang punong mahistrado noong 2012.

Facebook Comments