PARANGAL | Angel Locsin, ginawaran bilang “Pinaka-huwarang artista ng taon sa Pilipinas”

124

Showbiz – Thankful ngayon ang aktres na si Angel Locsin matapos siyang gawaran ng parangal ng “Inding Indie Short Film Festival” bilang “pinaka huwarang artista ng taon sa Pilipinas.”
Sa social media account ng aktres, pinasalamatan nito ang bumubuo sa nasabing organisasyon kung saan ito ang ikaapat na taon ng nasabing award-giving-body na kumikilala sa mga independent films sa bansa, tv shows at iba’t-ibang personalidad.
Maliban kay Angel, kinilala naman bilang “pinakamataas na karangalan bilang bayani ng pinilakang-tabing,” ang mga beteranang aktres na sina Gloria Romero at ang kontrobersyal na si Maria Isabel Lopez.

Facebook Comments