Parangal sa mga natatangging tsuper, isinulong ng grupong LTOP

Irerekomenda ng Liga ng grupong Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na bigyang parangal o pagkilala ang mga natatangging tsuper sa buong bansa na nakitaan ng pag-angat at kaayusan ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng transport modernization program.

Sa pagtatanong ng DZXL News kay LTOP National President Orlando Marquez, magandang pagkakataon ito para bigyang pagkilala ang hanay ng mga tsuper na naiangat at napaganda ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pamamasada.

Nais din ni Marquez na maiparating ang plano kay Pangulo Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sa kauna-unahang pagkakataon sakaling maisakatuparan ang pagbibigay parangal ay ngayon lamang ito mangyayari sa panahon ng administrasyon Marcos.

Ang naturang hakbang ay inisyatibo ni Marquez kasunod na rin ng magagandang programa ng gobyerno sa mamamayan katulad na lamang ng pagpapatupad ng zero billing program sa mga pampublikong ospital, ₱20 kilo ng bigas, libreng sakay sa LRT at MRT sa pamilyang Pilipino at iba pa.

Ang plano ay kanilang ipararating kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Banoy Lopez sa pamamagitan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Atty. Vigor Mendoza ang magandang pinaplanong programa ng LTOP.

Isinusulong din ni Marquez na magkaroon ng scholarship programs para naman sa mga anak ng mga tsuper sa buong bansa sa pamamagitan ng lahat ng kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Facebook Comments