Hinahanapan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Energy (DOE) ng ebidensya kaugnay sa paratang nitong economic sabotage laban sa power companies.
Pahayag ito ni Pangilinan kaugnay sa banta ng DOE na ipaghaharap ng kasong economic sabotage ang mga power company matapos ang sabay-sabay na pagbagsak ng ilang planta ng kuryente na dahilan ng rotational brownout sa Luzon.
Diin ni Pangilinan, seryoso at hindi biro ang nabanggit na akusasyon ng DOE kaya dapat itong magpakita ng ebidensya.
Giit ni Pangilinan, kung nagkaroon talaga ng sabotahe ay dapat itong patunayan at ipaliwanag nang husto ng DOE.
Facebook Comments