Paratang na pagiging hubadera at walang utak, pinalagan ng aktres na si Ivana Alawi

Isa-isang sinagot ni Ivana Alawi ang mga panghuhusga sa kanya ng ibang tao dahil sa kanyang “hubadera” image.

Say ng 23-year-old actress-Youtube star, hindi siya nasasaktan at nagpapaapekto kahit tawagin siyang walang utak at katawan lang ang meron sya.

Paliwanag ni Ivana, mas kilala niya ang kanyang sarili at alam niya na hindi lang siya isang paghuhubad lamang.


Proud aniya itong nakapagtapos ng kolehiyo at natutulungan ngayon ang kanyang pamilya.

Hindi rin daw siya nagpatalo sa mga sinasabi ng iba na wala siyang mararating sa buhay dahil nagkamali raw ang mga ito.

Facebook Comments