Paratang ng PNP sa regular na pamumundok ng estudyanye ng UP at PUP, pinalagan

Manila, Philippines – Kinokondena ng mga grupo ng kabataan ang pahayag ng PNP na regular nang namumundok ang mga estudyante ng UP at PUP para sa immersion sa CPP-NPA.

Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na deikado ang paratang ng PNP sa mga estudyante ng UP at PUP kinakailangan na patunayan ito sa pamamagitan ng matibay na ebidensya.

Sinabi pa ni Elago na wala itong ipinagkaiba sa ginawa noon ng PNP na profiling sa mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.


Ngayon naman aniya ay mga estudyante ng mga paaralan na ang pinupuntirua dahil sa pagiging kritiko nila sa maling patakaran ng gobyerno.

Kasabay nito, sama samang iginiit ng iba’t ibang lider kabataan ang libreng edukasyon at pag alis ng Martial Law sa Mindanao

Facebook Comments