Paratang ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na “ambush me”, itinanggi ng gambling operator na si Charlie “Atong” Ang

28

Manila, Philippines – Itinanggi ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang paratang ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ikinakasa na niya ang isang “ambush me” bilang bahagi ng destabilisasyon sa Duterte administration.

Ayon kay Ang, malaking kalokohan ito ni Aguirre lalo’t pwede niyang ikamatay ang isang pekeng ambush.

Malamang aniya ay napapanood lamang ni Aguirre ang mga ganitong eksena sa mga pelikula.

Una nang pinagbintangan ni ang sina Aguirre at National Security Advisor Hermogenes Esperon na balak siyang ipapatay para maipasok ang STL operation sa Cagayan.

Pero una rito, itinanggi rin ni ang na kasama siya sa anumang planong destabilisasyon.

Pinabulaanan din ni ang na may protektor siyang limang tauhan ng National Bureau of Investigation.

DZXL558

Facebook Comments