Paratang ni Sen. Trillanes na ilang opisyal ng Pambansang Pulisya ang nakikipag-usap sa ICC, pinabulaanan ng PNP

Walang katotohanan ang naging paratang ni dating Sen. Antonio Trillanes IV hinggil sa umano’y pakikipag-usap ng mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) sa mga dati at aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa kampanya kontra iligal na droga ng nakalipas na adminitrasyong Duterte.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, hindi nila alam kung saan nagmula ang impormasyon ng dating mambabatas.

Kasunod nito, nagbabala ang PNP na posibleng managot ang sinumang police official na makikipag-ugnayan sa ICC nang walang pahintulot mula sa kanilang liderato.


Aniya, maituturing kasi itong paglabag sa kanilang Chain-of-Command.

Binigyang diin ni Fajardo na kailangang aprubado muna ng liderato ng PNP ang bawat pahayag na kanilang ilalabas.

Giit ni Fajardo, anuman ang maging pahayag ng isa nilang myembro ay tila sumasalamin ito sa buong hanay ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments