Monday, January 19, 2026

Parcel na naglalaman ng marijuana kush at liquid drugs, naharang sa Pasay

Inaresto ng mga tauhan ng National Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang drug suspect matapos masabat ang isang parcel na hinihinalang naglalaman ng ilegal na droga sa Pasay City.

Una umanong namataan ang kahina-hinalang parcel ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang routine screening procedures.

Nang magsagawa ng manual inspection kasama ang consignee, nakumpirma na mayroon ngang ilegal na droga sa loob ng parcel.

Batay sa paunang imbestigasyon, naglalaman ang parcel ng humigit-kumulang 320 gramo ng marijuana kush na may tinatayang standard drug price na ₱480,000.

Narekober din ang tinatayang 8.8 milliliters ng liquid marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱400.

Agad na isinurender ang mga nakumpiskang ebidensya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tamang disposisyon.

Nanatili sa kustodiya ng NAIA-IADITG ang suspek at ang mga nasabat na droga para sa pagsasampa ng kaukulang kaso at para sa confirmatory laboratory testing.

Facebook Comments