Parcel na naglalaman ng P3.4-M na halaga ng shabu, narekober ng mga tauhan ng PNP-AVSEGROUP sa isang cargo warehouse

Nasabat ng mga awtoridad ang parcel na naglalaman ng 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million sa isang cargo warehouse.

Sa report ng Aviation Security Unit – NCR (AVSEU-NCR) at Bureau of Customs (BOC), idineklara umanong naglalaman ng libro at picture frames ang naturang parcel mula Cavite na dadalhin sa New Zealand.

Dahil sa kahinahinalang mga imahe pagdaan sa X-ray machine ay agad ininspeksyon ng mga awtoridad ang laman ng parcel.

Matapos ang ginawang beripikasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), natagpuan ang drug paraphernalia kasama ang mga libro, tatlong picture frames, flower bouquet, at board game.

Kinumpirma naman ng PDEA na ang narekober ay shabu na agad itinurn-over sa kanilang opisina para sa karagdagan pang eksaminasyon.

Facebook Comments