Pari, arestado matapos mai-record ng isang babae ang pangmomolestya nito sa kanya

4996

Inaresto ang isang pari matapos mairecord ng isang 11-anyos na babae sa kanyang cellphone ang pang-aabuso nito sa kanya.

Nito lamang Linggo, hinuli si Father Michele Mottola, 59, sa Trentola Ducenta, Italy nang ilabas ng biktima ang recordings sa local press.


Taong 2018 nang sampahan ng kaso si Mottola dahil sa mga alegasyon ng pangmomolestya na naging dahilan ng kanyang pagkasuspinde ngunit napawalang bahala rin ito.

Nabigyan lang ng aksyon ang pag-aaresto nang maere ang naturang record sa isang political TV show.

Sa record, sinasabing maririnig ang boses ni Mattola habang kinakausap ang babae.

“Look, there’s nobody there. You are scared? Embrace me, kiss me,” sabi ng pari sa inilabas ng translation ng Church Militant.

Kasunod nito ay maririnig pa raw ang mga salitang, “Do you know that I love you? Do you want a little kiss?”

Pilit raw na nagpupumiglas ang bata at nagmamakaawa na maririnig rin sa naturang record.

Matapos ang pangyayari, lakas-loob namang sinabi ng babae na ipaaalam sa buong simbahan ang ginawa at nakuha rin umano sa record ang sinabi ni Mattola.

“You didn’t have to do it, because now they will understand other things. Things will get very bad. I will come to your home to talk to your parents,” sabi nito.

Maririnig rin daw ang sinabi nito sa bata na isipin na lang na walang nangyaring kahit ano, maging ang pagdadala sa kanya sa kama ng naturang pari.

“So, we take this mess out of the way. We can pretend that it never happened. We don’t talk about it anymore, okay?” sabi pa nito.

Samantala, para naman sa ina ng biktima, proud siya sa ginawa ng anak.

“I am proud of my daughter, she was more cunning than the priest,” aniya.

Facebook Comments

From Advertisers