Manila, Philippines – Nagulat at hindi na nakapalag pa ang isang pari matapos damputin ng mga pulis at DSWD sa isang motel sa Marikina City kasama ang 2 menor de edad.
Nakilala ang suspek na si Arnel Lagarejos 55 isang pari ng Taytay Rizal na inabutang may kasamang 13 taong gulang na babae sa isang motel.
Ayon kay Eastern Police District Director Romulo Sapitula, mismong nanay nang biktima ang nag sumbong sa mga pulis kaugnay sa pag katao ng isang recruiter na bading na 16 anyos kung saan modus, ibenta ang mga batang babae para sa panandaliang aliw.
Sa entrapment operation, napili ang isang motel na matatagpuan sa malapit sa isang mall ng sumulong hi-way, brgy. Sto. Niño, Marikina City alas 6:30 kagabi.
Dito na nahuli ang target sa operation na 16 taong gulang na recruiter at laking gulad ng mga owtoridad na isang pari ang naging payokyano sa kinasang entrupment operasyon.
Lumalabas pa sa imbistigasyon, na sa pamamagitan ng gruop chat sa internet, nagaganap ang pag pili sa mga batang babae kalakip ang kaya nitong gawin depende sa presyo.
Kasunod nito ayon sa nanay ng biktima nag alok ng kalahating.milyong piso ang arestadong pari para aregluhin ang kaso.
Gayunman, tikom ang bibig dito ng DSWD kung totoo nga ba ang nasabing aregluhan.
Kasunod nito hanggang sa huli, itinanggi ng arestadong pari ang mga alegasyon at iginigiit na sya ay na set up lamang.
Samantala kasong pag labag sa Republic Act 9208, o anti-trafficking in person act ang isinampang kaso kay father Lagarejos habang hawak ng DSWD ang isa pang suspek na 16 gulang na recruiter.