Pari na kinasuhan dahil sa pangmomolestiya sa menor de edad sa Marikina, hindi sumipot sa preliminary investigation ng DOJ

Manila, Philippines – Hindi dumalo sa unang preliminary investigation sa Department of Justice ang pari na kinasuhan ng two counts ng qualified human trafficking dahil sa pangmomolestiya sa menor de edad sa Marikina.

Tanging ang abugado lamang ni Msgr. Arnel Lagarejos ang dumalo sa sa pagdinig na ginawang closed-door.

Personal namang pinanumpaan ng labing tatlong taong gulang na biktima at ng kanyang ina ang kanilang complaint affidavit.


Binigyan naman ng piskalya si Lagarejos at ang apat na iba pang respondents ng limang araw para magsumite ng counter affidavit.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa September 22, dakong alas tres ng hapon.

Facebook Comments