Pari na nagpakilala kay bikoy kay Senator Trillanes, ipinagtanggol ni Senator De Lima

Agad idinepensa ni Senator Leila De Lima si Fr. Albert Alejo, ang pari na nagpakilala kay Peter Joemel Advicula alyas bikoy kay Senator Antonio Trillanes IV.

 

Giit ni De Lima, si Fr. Alejo ay biktima lang din ng mga kasinungalingan ni Advincula at hindi bahagi ng tangkang destabilisasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Paliwanag pa ni De Lima, ginampanan lang ni Fr. Alejo ang moral duty ng simbahan na kalingain ang mga lumalapit at humihingi ng tulong sa kanila.


 

Sabi pa ni De Lima, kaibigan at spiritual adviser niya si Fr. Alejo na handang magsakripisyo para lumabas ang katotohanan at mailigtas ang mamamayang pilipino sa kapahamakan.

 

Ginawa ni De Lima ang pahayag makaraang sabihin ni Senator Trillanes,  na walang siyang kinalaman sa “ang totoong narcolist” video ni Advincula na ipinakilala lang sa kanyang ng isang pari noong nakaraang taon.

 

Sa tingin ni De Lima, si Advincula ay isang criminal psychopath na may matinding galing sa paggawa ng kwento o kaya naman ay isang professional con artist na ginagamit laban sa oposisyon.

Facebook Comments