Manila, Philippines – Naisailalim na sa inquest proceedings ang pari na nahuli sa isang entrapment operation nuong Biyernes sa Marikina matapos maaktuhang kasama ang isang menor de edad ilang metro ang layo sa isang motel.
Kinasuhan si Father Arnel Lagarejos, 55 taong gulang, binata at parish priest ng Antipolo City ng paglabag sa RA 9208 o Anti Trafficking in Persons Act pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapagpyansa.
Ayon sa Marikina Police, nadalaw na si Fr Lagarejos ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan na 2 gabi nang nagpapalipas ng gabi sa kulungan.
Posibleng sa Hwebes na i-raffle ang kaso ng suspek.
Samantala, gagamitin namang matibay na ebidensya laban sa pari ang kanyang cellphone kung saan doon mababasa ang konbersasyon ng pari at ng bugaw at andoon din ang mensahe na nagkasundo ang dalawa na sa halagang P500 maaari niyang galawin ang isang 13 taong gulang na babae.
Si Lagarejos at ang 16 na taong gulang na bugaw ay naaresto ng Marikina police at DSWD nuong Byernes makaraang magpasaklolo ang nanay ng 13 taong gulang sa mga otoridad.
Nasakote ang suspek sa loob ng kanyang ford explorer na may plakang TGO 350 kasama ang menor de edad ilang metro ang layo mula sa isang motel.