Pari sa Archdiocese of Palo, ilang araw nang nawawala

Hindi pa rin natatagpuan ang isang pari mula sa Archdiocese of Palo na ilang araw nang napaulat na nawawala.

Sa pahayag ng arkidiyosesis, umaga ng December 23 pa huling nakita si Fr. Edwin “Kutz” Caintoy, Kura Paroko ng San Jose de Malibago Parish.

Huli raw itong namataan sa isang bus terminal malapit sa isang mall sa Tacloban City.

May suot itong puting clerical polo shirt at may dalang sling bag.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Archdiocese sa mga awtoridad kaugnay dito.

Nanawagan naman ang archdiocese sa publiko na ipagdasal si Fr. Caintoy at makipag-ugnayan kay Fr. Gwen Padagdag kung may nalalamang impormasyon.

Facebook Comments