Pari sa Laguna, naglibot at nagbasbas sa bawat bahay

643
Courtesy Marie Magpantay

Kahit tirik ang araw, pinili ng isang pari sa Calamba, Laguna na maglibot sa kaniyang baryo para magbigay ng basbas bilang proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakunan ng residenteng si Marie Magpantay ang pag-iikot ni Fr. Eugene Fadul, isang kura paroko mula sa San Isidro Labrador.


Suot ang sutana at face mask, binasbasan ni Fr. Fadul ang bawat bahay sa Barangay Makiling noong Marso 29 ng umaga.

Kuwento ng uploader, labis ang pasasalamat ng mga kabarangay niya sa ginawang sakripisyo ng kura paroko upang muli silang mapalapit sa Panginoon kahit may pinagdaraanang pagsubok.

Umani ng papuri sa mga netizen ang naging aksyon ni Fr. Fadul at sinabi nilang pananampalataya sa Diyos ang sandata ngayon ng lahat laban sa sakit.Ang video na inupload ni Magpantay sa Facebook ay mayroon nang 1.7 million views.
Facebook Comments