Manila, Philippines – Mag-iimbestiga ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paring nagsama ng isang menor de edad na babae sa isang motel sa Marikina City.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, sinuspendi na nila sa pagkapari ng si Monsignor Arnel Lagarejos.
Bagaman walang masamang record sa Diocese of Antipolo, sinabi ni Cruz na posibleng hindi lang aniya ito ang unang beses na ginawa ito ni Lagarejos.
Ngayong araw, ilalabas ng piskalya ang desisyon kung sasampahan ng kaso ang pari sa korte at kung pwede itong magpiyansa.
Facebook Comments