MANILA – Pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ratipikasyon ng Paris Climate Change Agreement.Ito ang inanunsyo ng pangulo sa kabila ng mariing niyang pagtutol sa kasunduan kung saan babawasan ng mga bansa ang carbon emission ng mga ito para mapabagal ang epekto ng climate change.Una na kasing sinabi ni Duterte na hindi ito magiging patas para sa mga growing countries gaya ng Pilipinas dahil pinipigilan nito ang pag-unlad ng bansa.Pero sa kanyang talumpati sa Malacañang kahapon, sinabi ng pangulo na naging ‘unanimous’ ang desisyon ng gabinete matapos ang ilang debate.Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng pagtutol ang pangulo lalo na’t batid aniya niyang hindi naman mapasusunod rito ang malalaking bansa gaya ng Amerika.
Facebook Comments