PARIS TERROR ATTACK | Mga Pinoy sa Paris, ligtas sa panibagong terror attack sa Paris

Paris – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nadamay sa panibagong pag-atake ng Islamic State sa Paris.

Matatandaan noong Sabado isang lalakeng armado ng kutsilyo ang umatake sa 5 katao sa Paris opera kung saan base sa report ng French police, isa ang nasawi habang 4 naman ang sugatan at 2 dito ang nasa malalang kundisyon.

Ayon kay Ambassador Maria Theresa Lazaro matapos ang beripikasyon na kanilang ginawa lumabas na ligtas ang ating mga kababayan sa Paris.


Sa nasabing insidente napatay ng pulisya ang suspek na umano ay myembro ng grupong Isis.

Facebook Comments