Park Bo Gum itinangging siya ang dahilan ng Song Joong Ki at Song Hye Kyo divorce

Image via Soompi

Dumipensa ang kampo ni South Korean actor Park Bo Gum sa mga pinaparatang ng netizens na siya ang dahilan kung bakit nag-divorce sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Itinuturo ng ilang netizens si Bo Gum na ‘third party’ sa hiwalayan ng most favorite couple matapos silang magtambal ni Hye Kyo sa Korean drama series na “Encounter”.

Ayon sa Blossom Entertainment, agency ni Bo Gum kung saan kabilang din si Joong Ki, magpapataw sila ng kaukulang aksyon laban sa mga taong nagkakalat ng malisyoso at mapanirang balita.


Narito ang kanilang kabuuang pahayag:

“While it was Song Joong Ki who announced his divorce from Song Hye Kyo this morning, Park Bo Gum, a junior from the same agency as Song Joong Ki and also acted in a previous work with Song Hye Kyo is being mentioned in unexpected rumor mills.

Even just mentioning Park Bo Gum’s name in the divorce of the two is offensive. In response, we will take firm legal action against the groundless rumors about Park Bo Gum. We will straighten out these rumors via legal action.”

Kilalang matalik na kaibigan ni Park Bo Gum si Song Joong Ki at nagsama sa maraming commercials.

Namataan din ang bidang lalaki sa Love in the Moonlight sa kasal ng Songsong couple noong Oktubre 31, 2017.

Facebook Comments