Nagulat ang mga fans ni Park Hae Jin matapos mabalitaan na siya ay nasa Manila at nagsh-shooting ng isang movie na “Secret.
Namataan siya ng isang lucky fan sa Manila Cathedral sa Intramuros at ibinahagi ito sa twitter nitong Miyerkules.
Ayon sa tweet ni Au @awreeyuuuh, “Nakita ko si Park Hae Jin kanina sa Manila Cathedral. OKAY. LANG. AKO. AS. IN. Goodnight.”
Nakita ko si Park Hae Jin in person kanina sa Manila Cathedral. OKAY. LANG. AKO. AS. IN. Good night. 🙂🙂🙂 pic.twitter.com/MS7mbw0KMV
— Au 🙃 (@awreeyuuuh) May 14, 2019
Nagbahagi rin ang agency ni Park Hae-Jin ng photo sa Instagram na siya nga ay nasa Intramuros.
Nakilala si Park Hae-Jin sa kaniyang role bilang Yoo-jung sa Korean na seryeng “Cheese In The Trap,” at iba pang proyekto tulad ng “Man to Man,” “My Love From the Star,” at “Doctor Stranger.”
Nag-umpisa ang acting career ni Park Hae-Jin sa kaniyang debut film na “Snow is on the Sea” noong 2015.