Park Hae-Jin, ginulat ang fans matapos mag-shooting sa Intramuros

Image via @mountain_movement on Instagram

Nagulat ang mga fans ni Park Hae Jin matapos mabalitaan na siya ay nasa Manila at nagsh-shooting ng isang movie na “Secret.

Namataan siya ng isang lucky fan sa Manila Cathedral sa Intramuros at ibinahagi ito sa twitter nitong Miyerkules.

Ayon sa tweet ni Au @awreeyuuuh, “Nakita ko si Park Hae Jin kanina sa Manila Cathedral. OKAY. LANG. AKO. AS. IN. Goodnight.”


Nagbahagi rin ang agency ni Park Hae-Jin ng photo sa Instagram na siya nga ay nasa Intramuros.

Nakilala si Park Hae-Jin sa kaniyang role bilang Yoo-jung sa Korean na seryeng “Cheese In The Trap,” at iba pang proyekto tulad ng “Man to Man,” “My Love From the Star,” at “Doctor Stranger.”

Nag-umpisa ang acting career ni Park Hae-Jin sa kaniyang debut film na “Snow is on the Sea” noong 2015.

Facebook Comments