Pakikiusapan ng Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management ang mga mall owners na ipagamit ang kanilang parking spaces pagkatapos ng mall hours.
Ayon kay Task Force Chief Atty. Ariel Inton, isang paraan aniya ito na makakatulong para mabawasan ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Sinabi ni Atty. Inton, makikipag-pulong siya sa mga mall owners at pakikiusapan na ipagamit ang mga malls na yaong malapit sa mga residential areas na mag-overnight pay parking.
Ito naman aniya ay pagkatapos ng mall hours hanggang alas-7 ng umaga.
Kapag nangyari raw ito, hindi na magagamit na parking space ang mga kalsada na sagabal sa mga motorista.
Facebook Comments