Parlade at Badoy, nahaharap sa gag order dahil sa mga pahayag nila ukol sa community pantry

Pagbabawalang magbigay ng komento sina Lieutenant General Antonio Parlade Jr. at Lorraine Badoy – mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., pinakiusapan muna sina Parlade at Badoy na huwag munang magkomento patungkol sa isyu ng community pantries.

Dagdag pa ni Esperon, layunin ng “gag order” na maiwasan ang anumang kalituhan hinggil sa bayanihan initiative.


Dinipensahan din ni Esperon sina Parlade at Badoy dahil may sari-sariling “bayanihan” projects ang dalawa.

Una nang itinanggi ni Parlade ang mga alegasyong ini-uugnay nila ang community pantry organizers sa mga rebeldeng komunista.

Facebook Comments