Pinagbibitiw na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Giit ni Drilon, labag sa konstitusyon ang panunungkulan ni Parlade sa NTF-ELCAC.
Ayon kay Drilon, kahit ang mga estudyanteng nasa unang taon ng pag-aaral sa abogasya ay alam na bawal humawak ng anumang civilian position sa gobyerno ang mga katulad ni Parlade na nasa aktibong serbisyo sa militar.
Ikinadismaya rin ni Drilon ang sinabi ni Parlade na “stupid” ang mga senador na nagsusulong na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC gayong sila mismo ang nag-apruba nito.
Diin ni Drilon, ang pahayag ni Parlade ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga senador.
Paalala ni Drilon, noon pa man ay tinutulan na nya ang 19-bilyong pisong pondo para sa NTF-ELCAC ngayong taon.