
Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na hindi dapat pairalin ang parliamentary courtesy sa nakatakdang pagharap ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing sa Martes, September 16.
Diin ni Tinio, hindi ngayon ang panahon para sa parliamentary courtesy dahil maraming dapat ipaliwanag ang bise presidente, bukod sa pagdepensa sa kanyang budget sa House Appropriations Committee.
Una rito ay isinulong ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na mabigyan ng parliamentary courtesy si VP Sara bilang ikalawang pinakamataas na lider ng bansa sa kanyang pagharap sa budget hearing ng komite.
Ayon kay Ungab, pwede namang magbato ng mga tanong sa budget ng ikalawang pangulo pagdating sa deliberasyon sa plenaryo.
Facebook Comments









