Parojinog at Sabalones drug group magkakuntsaba sa negosyo sa druga

178

Tukoy na ng Police Regional Office -7 ang koneksiyon ng dalawang malalaking grupo na nasa likod ng negosyo sa ipinagbabawal na gamot sa Visayas at Mindanao .

Itoy matapos malaman ng PNP ang kaugnayan ng napatay na mayor ng Ozamis City na si Reynaldo Parojinog at ang napatay na subject ng anti-drug operation ng Regional Special Operations Group-7 sa Tabunok Talisay City .


Ayun kay PRO-7 director , Chief Supt . Jose Mario Espino natukoy nila sa ginawang imbistigasyon na ang drug suspect na si Manolito Cencil ay inaanak sa kasal ni Mayor Parojinog at ng drug lord sa Visayas na si Franz Sabalones.

Si Cencil ay nakilala rin bilang level 2 drug pusher at pinagkakatiwalaan na kolektor ni Sabalones sa kaniyang negosyo sa druga .

Kaugnay nito hindi isinasantabi ng PNP na si Cencil ang naging tulay ng Parojinog at Sabalones group sa ilegal na negosyo ng dalawang grupo .

Facebook Comments