PAROLEES AT PROBATIONERS NG ALAMINOS CITY, NAKIBAHAGI SA COASTAL CLEAN UP

Mga parolees at probationers naman ang nagsagawa ng paglilinis sa bahagi ng Alaminos River sa lungsod ng Alaminos.
Nilahukan ang nasabing paglilinis ng ilang kawani ng Pamahalaang Lungsod, scouts at mga mag-aaral na sumasailalim sa work immersion program ng DepEd Alaminos City Division.
Bahagi ito ng environmental conservation, protection and rehabilitation program na alinsunod sa mga proyekto ng administrasyon.

Samantala, nagpapatuloy ang isinasagawang monthly-clean up at maintenance activities ng nasabing grupo sa mga kailugan, maging sa mga parke, at mga kabundukan sa ilalim ng adopt a mountain project sites. |ifmnews
Facebook Comments