Part 2 ng TTTP ni PRRD, hindi na matutuloy

63

Wala nang naka-schedule na ‘Talk to the People’ si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ayon kay Roque, jampak o maraming nakalatag na aktibidad ang pangulo ngayong linggo kung kaya’t hindi na kaya pang isingit sa kaniyang schedule ang ikalawang TTTP.


Kahapon, matatandaang pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng Sariaya by-pass road gayundin ang pulong ng Joint National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict kapwa sa Lucena City, Quezon.

Noong Martes ng gabi ay maaalalang nag-ulat na sa bayan si PRRD.

Facebook Comments