
Tatalakayin ngayong araw o sa Huwebes ng mga senador ang tungkol sa pagbalangkas sa partial committee report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa inimbestigahang maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ang naunang lumabas sa media na draft partial committee report ay malayo pa sa tunay dahil ngayong araw o bukas pa paguusapan ng Blue Ribbon Committee ang tungkol dito.
Sinabi naman ni Senate President pro-tempore Ping Lacson, Chairman ng Blue Ribbon Committee, na nagkaroon ng draft ng partial report subalit binawi muna ito dahil gusto pang talakayin ng mga miyembro ang tungkol dito bago ilabas.
Ito aniya ay salig sa kanilang rules of procedure sa mga imbestigasyong ginagawa ng Senado.
Sa patakaran ng Senado, kailangang pirmado ng mayorya ng miyembro ng isang komite ang Committee report bago ito talakayin at aprubahan sa plenaryo.










