Tuesday, February 3, 2026

Partial committee report sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects, posibleng iulat na sa plenaryo ngayong Linggo

Target ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Ping Lacson na iulat sa plenaryo ang nilalaman ng partial committee report tungkol sa iniimbestigahang mga katiwalian sa flood control projects.

Ayon kay Lacson, sakaling makakuha na ng kinakailangang lagda ay iuulat niya na sa plenaryo ngayong linggo ang nilalaman ng committee report.

Pinapaikot na ngayon sa mga myembro ng Senate Blue Ribbon Committee ang partial committee report para malagdaan.

Aniya pa, maaari pa rin silang magdaos ng isa o dalawa pang huling pagdinig tungkol sa isyu ng ghost flood control projects kahit pa nasa gitna na sila ng pagtalakay ng report sa plenaryo.

Samantala, pinag-aaralan pa ng komite kung tuluyang ipako-contempt ang mga inisyuhan ng show cause order makaraang hindi sumipot sa nakalipas na pagdinig sa kabila ng subpoena.

Isa na rito ang posibleng pagtugis at pagpapaaresto kay dating Congressman Zaldy Co na nahaharap na rin sa kasong may kaugnayan sa flood control anomalies.

Facebook Comments