
Umaabot ng higit P3-B ang naitalang nasira sa mga pampublikong imprastraktura dulot ng ilang araw na pag-uulan bunsod ng bagyo at habagat.
Sa inilabas na ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance, nasa P3.75-B ang halaga ng nasirang ari-arian sa iba’t ibang rehiyon.
Nasa P483.69 million ang halaga ng nasirang national roads, P24.48 million sa mga tulay, at P3.25 billion flood control structures sa Ilocos Region, Region 3, Region 4B, Region 6 at Negros Island Region.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, ang nasabing halaga ng mga nasira ay partial pa lamang at patuloy pa ang pagkuha nila ng datos para malaman ang kabuuan nito.
Kaugnay nito, ipinakalat na rin ang DPWH Quick Response Teams upang tumulong sa pagsasaayos at iba pang operasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
Sa kasalukuyan, may 10 national roads sa ang hindi pa rin madaanan sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1, Region 3, at Region 4-A habang 33 kalsada ang limitado naman sa mga motorista sa mga nabanggit na rehiyon kabilng rin sa Region 4-B, Region-5, at Region-9.









