Partial Deployment Ban sa Kuwait, ipinag-utos ni PRRD

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang Partial Deployment Ban para sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa Kuwait.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng OFW na Jeanelyn Villavende na pinalo sa ulo at binugbog ng kanyang amo.

Paglilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III, sakop lamang ng Deployment Ban ang mga bagong Household Service Workers.


Aniya, hindi kasama rito ang mga balik-manggagawa na nagbakasyon lamang sa Pilipinas at Skilled Workers.

Sinabi rin ng kalihim, malaki ang posibilidad na mauwi ito sa Total Deployment Ban kung hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Villavende.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ikinagalit mismo ng Pangulo ang ginawang pagpatay sa Pinay Domestic Helper.

Panawagan naman ni Susan Ople, Presidente ng BLAS F. Ople Policy Center, kailangang i-review muli ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Sa ngayon, pagpapaliwanagin din ng DOLE ang Recruitment Agency ng Pinay OFW dahil sa kanilang kapabayaan.

Facebook Comments