Partial operation ng Mactan-Cebu International Airport, mananatili hanggang sa November 8 matapos ang Korean Air overshoot

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) ng updated notice to airmen (NOTAM) (B3345/22) para sa operating hours ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) Runway 04/22.

Ito ay habang hindi pa tuluyang naaalis sa runway ng Cebu ang sumadsad na eroplano ng Korean Air.

Sa ngayon kasi nasa partial operation pa lamang sa lahat ng uri ng aircraft ang naturang airport mula 5:00 a.m – 4:59 p.m hanggang sa November 8, 2022.


Maaari namang magbago ang NOTAM ng CAAP ano mang oras depende sa developments ng extraction ng eroplano ng Korean Airlines mula sa runway 22.

Facebook Comments