Partial operation ng Metro Manila Subway, aarangkada na sa 2021

Tuloy ang pagsasa-ayos ng Metro Manila Subway para sa pagsisimula ng partial operation nito sa ika-apat na quarter ng 2021.

Ayon kay Department of Transportation (DOTR) Sec. Arthur Tugade, bagama’t nagkaroon ng delay sa konstruksyon, sisikapin pa rin nilang matapos ang trabaho para makahabol sa target.

Sa oras na makumpleto ang operasyon ng subway, mababawasan ng 40 minuto ang travel time mula Quezon City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Facebook Comments