Matapos ang isinagawang inspeksyon sa Clark International Airport kasunod narin ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Zambales at malaking bahagi ng Luzon kahapon.
Magbubukas na ito partially bukas, April 24.
Ayon kay CIAC President Jaime Melo walang pinsalang natamo ang tower, apron, runways at taxiways ng nasabing paliparan.
Priority nila ang mga na-stranded na pasahero o yung mga nakansela at nadivert ang byahe matapos ang lindol.
Sa update pa ni Melo fully restored na ang kuryente sa paliparan simula alas 10:30 kagabi.
Sa ngayon tuloy tuloy ang clearing operations at repairs sa loob ng departure area at terminal building.
Una nang nagtalaga ang Clark Development Corporation ng temporary shelters para sa mga traveler at tourists na maaaring naapektuhan ng pagsasara ng operasyon ng Clark International Airport at mga hindi kayang i-accomodate sa mga hotel.
Kabilang dito ang Training Center ng Health and Sanitation Divisio, ang pavilion at Bicentennial Park, ang Philippine Air Force Gym, at ang Clark Parade Grounds.