Partido Federal ng Pilipinas, pinaghahanda na ni PBBM para sa 2025 elections

Pinaghahanda na ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang partido para sa nalalapit na 2025 elections.

Kagabi ay pinangunahan ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas sa Maynila.

Ayon sa Pangulo, sisimulan na ang paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa 2025 pagdating sa Oktubre kaya umaasa siyang magiging malinaw na kung anong mga partido pulitikal sa bansa ang kanilang magiging kaalyado.


Nais din aniya ni Pangulong Marcos na magkaroon sila ng malinaw na line up ng mga kandidato mula sa national hanggang local level, municipal at city levels habang maaga para makapag plano nang maayos.

Naniniwala naman ang Pangulo na hindi nagbabago ang gusto ng publiko na pagkakaisa, sa halip na nag-aaway away ang mga nasa posisyon.

Facebook Comments