PARTIDO NINA COUNCILOR AT FORMER MAYOR LIM, HINARANGAN UMANO ANG CONVOY SA OPENING PARADE NG BANGUS FESTIVAL; MAYOR BELEN FERNANDEZ, SINAGOT ANG AKUSASYON

Hinarangan umano at hindi pinayagang makapasok ang convoy ng mga sasakyan ng mga kandidato mula sa Team LiFe na pinangungunahan ng mag-inang Lim sa opening parade ng Bangus Festival noong April 26.
Ayon sa kampo,tanging mga convoy lamang umano nila ang pinigilan gayong pinayagan naman umano ang ibang sasakyan na walang car pass.
Kinwestyon din ng opposition team ang katotohanan sa pahayag ng isang POSO personnel na utos umano na pagbawalan ang kanilang grupo na makilahok sa parada.
Iginiit din ng mga ito na hindi sila imbitado sa parada.
Samantala, pinabulaanan naman ni Mayor Belen Fernandez ang naturang paratang at tinawag na tila scripted umano ang biglaang pagsulpot ng kabilang panig para ipakalat sa social media.
Saad ng alkalde na bukas sa lahat ang aktibidad ngunit kinakailangang magabiso sa komite bilang protocol sa kaayusan ng mga kalahok.
Sa huli, kapansin-pansin na nakapasok pa rin ang kampo ng Team LiFe habang sumasayaw sa kakalsadahan ng Dagupan noong kasagsagan ng parada.
Ilang netizens naman ang nagpahayag ng pagkabahala sa iringan ng dalawang panig at umapela na isantabi ang tensyon sa pulitika para sa masayang selebrasyon ng Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments