Partido Reporma 2022 presidential elections standard bearer Panfilo Lacson, may vlog na!

Sumali na rin si Partido Reporma 2022 presidential elections standard bearer Panfilo Lacson sa hanay ng mga kilalang personalidad na nagkukuwento ng kani-kanilang personal na buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang platform sa internet.

Kasunod na rin ito ng paglulunsad ni Lacson ng “Iping TV channel” sa YouTube, kung saan unang itinampok ang pagkakakilala sa senador ng kanyang maybahay na si Gng. Alice de Perio, mga anak na sina Jay at Pampi at ang mga long-time security aides na sina retired police officers Dancel at Sampilo.

Sa pagsasalarawan ni misis Lacson sa Partido Reporma standard bearer, itinanggi niya ang impresyon na suplado ang pambato ng partido dahil mabait siya kapag nakausap mo na.


Sa panig naman ng anak na si Jay ay hindi niya malimutan kung paano sila hinubog ng ama na maging pala-simba at madisiplina.

Nagpahiwatig din si Lacson ng mga senyales na maaring makita sa kanya kapag may nagawang hindi maganda ang kanyang mga tauhan tulad ng hindi kinakausap ang mga ito maghapon.

Ayon kina Dancel at Sampilo, iniiwasan na lamang nilang maulit pa ang mga nagawang pagkakamali.

Ang iba pang kuwento tungkol kay Lacson ay ipapalabas sa kanyang YouTube channel sa mga susunod na araw.

Facebook Comments