Binigyang ng plus point ng political analyst si Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson.
Dahil na rin ito ng mga magandang ipinunto ni Lacson sa kanyang pagharap sa ‘Panata sa Bayan’ presidential Candidates’ Forum ng Kapisanan ng mga Brodkaster Sa Pilipinas (KBP), na dinaluhan ng apat na iba pang presidential aspirant.
Para sa political analyst at Department of Political Science, UP Diliman Professor na si Jean Encinas Franco, bukod sa magandang plano, malinaw at detalyado ang mga isinusulong ni Lacson na plataporma sa gobyerno.
Ayon kay Prof. Franco, isa sa magandang naging tatak ni Lacson ay ang budget reporm lalo na’t kilala siya bilang masipag na senador at alam niya ang pasikot-sikot sa gobyerno pagdating sa pagpapasa ng national budget.
Una nang iginiit ng Partido Reporma standard-bearer sa forum ang isang maayos na gobyerno kung saan isusulong nito ang makabuluhang budget reform upang ibaba para sa pagpapaunlad ng mga kanayunan ang pondong sobra-sobra at hindi nagagamit ng mga ahensya ng gobyerno na umaabot sa mahigit tatlong-daan bilyong piso taun-taon.
Giit ni Lacson, bilang kandidato sa pagka-pangulo, maliwanag sa kanya ang ating mga kalaban: pandemya, kahirapan, kawalan ng trabaho, napakalaking utang, gutom, hamon sa edukasyon; at ang talamak na pagnanakaw o pag-aksaya ng pera ng bayan.