Hinangaan ng publiko ang diretsahan at matalinong pagsagot ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga tanong, alegasyon at isyung tinalakay sa presidential interview ng isang TV network.
Tulad ng laging iginigiit ni Lacson, sinabi nito sa panayam na gobyerno ang mismong ugat ng problema ng bansa at gobyerno rin ang solusyon.
Aniya, dapat na mabago ang attitude ng mga Pilipino na tila nawalan na ng pag-asa, pangarap at tiwala sa gobyerno.
Naging maingay rin sa social media ang mga komento ng presidential aspirant sa ‘Isang Salita’ segment ng programa kung saan tinawag niyang “sayang” si Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ang pagsasalarawan niya sa Dolomite beach sa Maynila bilang “sayang pera.”
Facebook Comments