Partidong kinabibilangan ni Mayor Isko, pumalag sa pasaring ni Pangulong Duterte

Pumalag ang partidong Aksyon Demokratiko sa mga pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang Aksyon Demokratiko ay kinabibilangan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa partido, kung ang lungsod ng Maynila ang pinatutungkulan ng Pangulo ay maituturing itong imposible.


Ito ay dahil mismong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang nagsabing efficient at timely ang pamamahagi ng ayuda roon.

Sa ngayon, panawagan ng partido kay Pangulong Duterte na tigilan na ang pamumulitika at huwag gamitin ang pandemya upang isulong ang politikal at personal na interes para sa sariling pamilya.

Facebook Comments