Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila de Lima na paglabag sa diplomatic protocols ang naging partisipasyon ni dating pangulong gloria arroyo sa katatapos na 31st association of southeast asian nation o ASEAN summit.
Ang tinutukoy ni de lima ay ang hosting na ginawa ni arroyo sa ilang ASEAN delegates kung saan pinuri pa nito ang China at inihayag bilang bagong world leader.
Diin ni De Lima, si Vice President Leni Robredo dapat ang gumanap sa nabanggit na papel ni Arroyo sa ASEAN Summit.
Sa tingin ni De Lima, ang pagbibigay prayoridad kay Arroyo ay bahagi ng pagbabayad utang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong nito sa nagdaang 2016 elections.
Ikinakabahala pa ng lubos ni De Lima ay ang tila pagkakabit-bisig nina Duterte at Arroyo para ibaon ang Pilipinas sa pagkakautang sa China.
Ayon kay De Lima, mukhang nabubuhay muli sa buil-build-build projects ng Duterte administration ang mga maanumalyang transaksyon noon sa China ng Arroyo administration.
Inihalimbawa ni De Lima ang NBN-ZTE scandal at Manila-Clark railway fiasco na pinagkakitaan umano ng kampo ng dating pangulo.